Pagbabakuna kontra Covid-19 sa Valenzuela city, suspendido ngayong Linggo dahil sa malawakang pagbaha
Suspendido muna ang lahat ng vaccination activities ng Valenzuela city ngayong Linggo sanhi ng patuloy pa pag-ulang dulot ng Habagat.
Ito ang ipinalabas na abiso ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng kanilang social media pages.
Inabisuhan ang mga residente na maghintay sa susunod na anunsyo ng city government para sa bagong schedule ng pagbabakuna.
Ayon sa pamahalaang lokal, ito ay upang maiiwas ang mga residente sa mga sakuna dulot ng malawakang pagbaha sa Metro Manila.
Samantala, nagtalaga ng mga Libreng Sakay truck ang lungsod sa MacArthur Highway at M.H. Del Pilar road para sa mga stranded commuter.
Please follow and like us: