Pagbabakuna ng COVID vaccine 2nd booster shot, inirekomenda
Iinirekomenda na ni Senador Francis Tolentino na ang ikalawang booster shot para labanan ang COVID- 19.
Ito’y kung anim na buwan na aniya ang nakalipas mula ng magpa booster shot.
Katwiran ng Senador, kailangan ngayon ng dagdag na proteksyon ng publiko ngayong tumataas na naman ang kaso ng tinatamaan ng COVID-19.
Kasabay nito, iminungkahi niya sa Pangulo na maglagay na ng permanenteng uupo bilang kalihim ng Department of Health dahil sa dami ng kinakaharap na problema ng bansa sa sektor ng kalusugan.
Kabilang na rito ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 at mataas na kaso ng dengue.
Ang officer in charge raw kasi ng DOH, tali pa rin ang kamay sa mga ipatutupad na patakaran sa mga isyung may kinalaman sa kalusugan.
Sa kasalukuyan ang dating tagapagsalita ng DOH na si Maria Rosario Vergeire ang OIC ng DOH.
Meanne Corvera