Pagbabakuna ng Sinopharm anti-Covid vaccine ng China sa mga sundalong Pinoy, walang nilabag na batas- Malakanyang
Nanindigan ang Malakanyang na walang nalabag na batas ang pagpapabakuna ng mga sundalong Pinoy ng Sinopharm anti COVID 19 vaccine na gawa ng China.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na hindi ipinagbabawal ng Food And Drug o FDA Law ang pagpapaturok ng bakuna na hindi pa rehistrado sa bansa dahil ang ipinagbabawal ay ang pagbebeta at distribusyon.
Ayon kay Roque mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbunyag na may mga sundalo na ang naturukan ng Sinopharm vaccine at ito ay boluntaryo at hindi sapilitan.
Inihayag ni Roque mayroon ng Emergency Use Authorization mula sa Chinese Government ang Sinopharm anti COVID 19 vaccine kaya mituturing na ligtas at ginamit narin ito sa Peoples Liberation Army o PLA ng Peoples Republic of China.
Hindi naman masabi ni Roque kung kasama si Pangulong Duterte sa nabakunahan maging ang mga miyembro ng Presidential Security Group o PSG.
Vic Somintac