Pagbabakuna para sa Olympic athletes mamadaliin ng Australia
SYDNEY, Australia (AFP) – Pinuri ng Olympic Committee ng Australia ang isang desisyon, na madaliin ang pagbabakuna sa mga atletang lalahok sa Tokyo Games.
Inanunsyo ng Australian government nitong Martes, na tinatayang dalawang libong mga manlalaro at staff ang babakunahan bago sila bumiyahe patungong Japan para lumahok sa Olympics, na nakatakdang simulan sa July 23.
Ayon sa health minister na si Greg Hunt, nais nilang makita ang kanilang mga atleta na makarating sa Tokyo para lumahok sa mga palaro, at makabalik sa Australia ng ligtas.
Malugod namang tinanggap ni Australian Olympic Committee CEO Matt Carroll ang balita sa pagsasabing isa iyong “great relief” para sa mga atleta at mga opisyal gaya nya na lalahok sa palaro.
Sinabi naman ni sports minister Richard Colbeck … “While vulnerable Australians remain an absolute priority as the vaccine rollout continues, national cabinet understands the pressure our high-performance athletes have been facing as the Tokyo Games draw closer.”
© Agence France-Presse