Pagbabakuna sa adults with comorbidities sa Pasay City, ipagpapatuloy ngayon araw
Naglabas ng schedule ang Lungsod ng Pasay para sa pagbabakuna ngayong araw sa mga adult with comorbidities.
Kabilang sa mga brgy na target mabakunahan ngayong araw ay ang Barangays 183, 191-201, Barangays 63-75, 80-100, 106-107, 113-119, 136-143 na gaganapin sa Corazon Aquino elementary school at Andres Bonifacio elementary school.
Pinaalalahanan din ang mga babakunahan na magdala ng alinman sa proof of co-morbidity gaya ng medical certificate, medical prescription at hospital/surgical records.
Para naman sa may mga sakit gaya ng HIV, Cancer, Autoimmune Disease, mga pasyenteng nag-transplant, at mga bedridden nasa ilalim ng steroid treatment maariing dalhin lamang ang Medical clearance at proof of co-morbidity upang mabakunahan.
Samantala ayon sa pinakahuling tala ng Pasay City Health office 105 bagong kaso 96 nakarekober 12,004 kabuuang kaso ng covid sa lungsod 301 deaths.