Pagbabakuna sa general adult population sa bansa, posibleng masimulan sa Oktubre
Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang posibilidad na buksan na ang pagbabakuna sa general adult population sa Oktubre.
Sa kaniyang regular Talk to the People, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pasisimulan ng pamahalaan ang pagbabakuna sa general adult population kapag mayroon ng stable suplay ng anti-COVID-19 vaccine sa bansa.
Inihayag ng Pangulo na dapat unahin ang mga lugar na marami ang mahihirap na populasyon.
Sa pinakahuling data ng National Vaccination Operations Center mayroon nang 56,794,130 doses ng anti-COVID-19 vaccines ang naideliver na sa bansa.
Sa bilang na ito 38,746,501 na ang kabuuang bilang ng bakuna na naiturok na sa buong bansa.
21, 951,956 dito ay 1st dose o 28.46 percent coverage ratio habang 16,794,545 ang nakakumpleto na ng bakuna o second dose katumbas ng 21.77 percent coverage ratio.
Vic Somintac