Pagbabakuna sa may may Comorbidities, sinimulan na sa Maynila
Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbabakuna kontra Covid-19 sa mga residente nila na may comorbidities.
Labindalawang (12) Vaccination sites ang itinalaga ng Manila LGU na maaaring puntahan ng mga nais magpabakuna.
Ang CoronaVac ng Sinovac ang ituturok sa kanila.
Ang mga nasa edad 18 hanggang 59 anyos lang ang pwedeng magpabakuna.
Kailangan lamang nilang magdala ng medical certificate, prescription ng gamot, hospital record o medical abstract o surgical o pathology records.
Mahigpit naman ang paalala sa kanila na huwag kalimutang magsuot ng face mask at face shield.
Samantala, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na wala munang pagbabakuna ngayong araw para sa mga senior citizen.
Ubos na rin aniya ang kanilang supply ng Astrazeneca vaccine na ibinigay sa kanila ng Department of Health.
Madz Moratillo