Pagbabakuna sa mga Senior Citizen sa Maynila, ipinagpatuloy ngayong araw
Matapos matigil pansamantala dahil sa kawalan ng suplay, muling ipinagpatuloy ngayong araw sa lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbabakuna sa mga Senior Citizen.
Ito ay matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagturok ng Covid 19 vaccine ng Sinovac para sa mga nasa edad 60 pataas.
Ang Astrazeneca vaccine ang itinuturok para sa mga Senior Citizen dahil ang Sinovac vaccine ay pwede lang sa 18 hanggang 59 anyos.
Pero paalala ng FDA, dapat isailalim muna sa ebalwasyon ang kalusugan ng isang nakatatanda bago ito turukan ng Sinovac vaccine.
Kaugnay nito, nilinaw naman ni Manila Mayor Isko Moreno na para sa mga Person with Comorbidities, nananatiling 18 hanggang 59 anyos pa rin ang maaaring magpabakuna. Para sa araw na ito, gagawin ang pagbabakuna sa 20 sites sa Lungsod.
Kabilang sa maaaring magtungo para magpabakuna ay mga Medical frontliner, Senior Citizens at Person with Comorbidities.
Sa pinakahuling datos nasa 52,084 katao na ang nabakunahan kontra Covid 19 sa Maynila.
Madz Moratillo