Pagbabakuna sa Smart Araneta Coliseum, extended hanggang huling linggo ng Mayo

Maaaring magpabakuna hanggang huling linggo ng Mayo ang mga residente ng Quezon City sa Smart Araneta Coliseum.

Mula sa isang libong target na mabakunahan kada araw, ngayon ay umaabot na hanggang sa isang libo at limandaan ang maaaring mabakunahan dito.

Photo courtesy of Araneta Group

Siniguro rin ng Araneta Coliseum na mahigpit nilang sinusunod ang social distancing at disinfection sa big dome para masiguro ang kaligtasan ng mga nagpapabakuna.

Photo courtesy of Araneta Group

Ayon kay Antonio T. Mardo, Senior Vice President for Operations ng Araneta Group, mapayapa at organisado ang naging pagbabakuna sa mga residente nitong mga nakaraang linggo sa Araneta Coliseum kaya naman nagpapasalamat at patuloy pa din ang pagsuporta nila sa lokal na pamahalaan ng Quezon City para sa aktibong pagkilos nito kontra Covid.

Maaari pa ring magparehistro ang mga residente na kabilang sa A1 hanggang A3 priority group sa EzConsult website (https://app.ezconsult.io/signup)

Kabilang rin sa naging inisyatibo ng Araneta group sa pangunguna ng J. Amado Araneta Foundation (JAAF) ang pamamahagi ng mga sako ng bigas sa tatlong community pantry sa Quezon City, pamamahagi ng mga gamot at immunity boosting supplements sa mga drayber, commuter at ilang frontliner. Maging ang pamamahagi ng personal protective equipment o PPE, mga alcohol at COVID-19 testing kit sa medical frontliners at Quezon City LGU.

Photo courtesy of Araneta Group

Please follow and like us: