Pagbabalik ng Face to Face classes, hindi dapat simulan kung wala pang bakuna laban sa Covid-19
Hindi pabor si Senador Christopher “Bong” Go sa mungkahi ng mga kasamahang Senador na ibalik na ang face to face classes pero sa mga limitadong lugar na mababa ang kaso ng Covid-19.
Ayon sa Senador chairman ng Senate Committee on Health, hindi pa kasio nakatitiyak na ligtas na bumalik sa mga paaralan ang mga bata dahil wala pang bakuna.
Babala ni Go, mas malaki ang panganib kung papapasukin na ang mga bata dahil natural na sa kanila ang pagiging malikot at humahawak kung saan-saan, kaya hindi malayong mahawa sila ng anumang virus o bacteria.
Kailangan aniyang maging maingat para hindi na kumalat ang virus lalu na sa mga mahihirap na komunidad at hindi maulit ang lockdown gaya sa ibang bansa.
Nagbigay naman naiya ng assurance ang Pangulo na oras na may bakuna, uunahing bigyan ang mahihirap na itinuturing na Vulnerable sector at lahat ng mga frontliners.
Statement Senador Bong Go:
“Protektahan rin natin ang kapakanan ng mga guro. Kapag mayroon nang vaccine laban sa COVID-19, nagsabi ang Pangulo na uunahin rin sila kasama ang mga frontliners, pati mga mahihirap at nasa vulnerable na sektor”. Wag n’yo pong ikumpara ang klase sa sabong. May necessary health protocols in place rin po doon… malaki pa po ang kinabukasan ng mga batang ito so unahin natin ang buhay ng bawat Pilipino, buhay ng bawat kabataan“.
Nauna nang iminungkahi nina Senador Sherwin Gatchalian at Imee Marcos ang limitadong face to face classes dahil hirap ang maraming kabataan sa Blended Learning.
Meanne Corvera