Pagbabalik ng in-person classes isa sa achievement sa unang 100 araw ng Marcos Administration
Ipinagmalaki ng Department of Education na ang pagbabalik ng face to face classes ang maituturing na isa sa malaking achievement sa unang 100 araw ni Pangulong Ferdinande Marcos Jr.
Ayon kay Atty Michael Poa, tagapagsalita ng DepEd, sa nakalipas na 2 taon dahil sa pandemya ay marami ang hindi nakapag-aral.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakatulong ang pagbabalik ng in person classes para makalikha ng mga trabaho lalo na sa primary at secondary level.
Tiniyak naman ni Poa na sa kabila nito ay hindi nila ipinagwalang bahala ang mga pag-iingat laban sa Covid -19.
Katunayan ay nag isyu aniya ang DepEd ng bagong kautusan ukol sa health protocol na paiiralin sa mga eskuwelahan para masiguro ang kaligtasan ng mga guro at estudyante laban sa virus.
Madelyn Villar – Moratillo