Pagbabalik trabaho ni Sereno dapat na desisyon ng Supreme Court en Banc – ayon sa isang mahistrado
Ang Supreme Court en banc ang dapat daw na magdesisyon kung puwede nang magbalik trabaho si Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.
Ayon sa isang SC Justice, ang indefinite leave ni Sereno ay resulta ng consensus ng mayorya ng mga mahistrado.
Dahil dito ang pagbabalik trabaho anya ni Sereno ay dapat ding desisyunan ng SC en banc.
Paliwanag pa ng mahistrado iisa lamang si Sereno sa 15 miyembro ng Supreme Court na isang collegial body.
Una nang iginiit ng kampo ni Sereno na karapatan at hindi na nito kailangan ng otoridad para magreport sa trabaho sa Supreme Court.
Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us: