Pagbabanta ng BIFF kay Pangulong Duterte, isang “desperate pronouncement” ayon sa AFP
Itinuturing ng Armed Forces of the Philippines na isang “desperate pronouncement” ang pagbabanta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunitang inihayag ng BIFF na matapos ang pag-atake sa Pigcawayan, Cotabato ay isusunod nilang target si Pangulong Duterte.
Gayunman, magpapatupad din ang Presidential Security Group ng security adjustment at assessment para matiyak ang seguridad ng Pangulo sa gitna ng banta ng BIFF.
Hindi naman nababahala si Presidential Spokesman Ernesto Abella sa banta ng BIFF kay Pangulong Duterte dahil wala aniyang ground support partikular sa Muslim community na nakukuha ang naturang grupo.