Pagbabawal ng indoor smoking ng e-cigarettes, nais ipatupad ng W.H.O
Pinatunayan na ng mga pag aaral na ang paninigarilyo ay makapipinsala ng kalusugan at maging ang paghitit sa pamamagitan ng vape o electronic cigarettes.
Kaya naman, nais ng World Health Organization na ipagbawal ang indoor smoking ng e-cigarettes.
Ayon sa WHO ipinagbawal na ang vaping sa mga enclosed public places tulad ng bar at restaurants at iba pang workplace sa may dalawampu at limang mga bansa.
Samantala, sinabi naman ni Health Secretary Paulyn Ubial na bukas ang kagwaran sa rekomendasyon ito ng WHO.
Sisikapin aniya ng kagawaran na maipatupad ang nabanggit na pagbabawal sa pamamagitan ng Food and Drug Administration o FDA.
Ulat ni: Anabelle Surara