Pagbabawal ng junk foods at sugary drinks sa mga eskuwelahan isinusulong
Nais ni Senador Lito Lapid na tuluyan nang ipagbawal ang pagbebenta ng mga matatamis na inumin at junk foods sa loob at labas ng mga public at private elementary at high school.
Naghain si Lapid ng Senate bill 1231 o health food and beverages choice program na layong i-promote ang healthy diet at healthy eating environment.
Dulot ito ng tumataas na problema sa obesity at malnutrisyon sa mga kabataan .
Ayon sa Senador, maraming pag-aaral na ang nagpakita na ang mga estudyanteng hindi nakakuha ng sapat na nutrisyon ay nahihirapang mag-focus at matuto at kadalasang nakakakuha ng mababang marka.
sa panukala bukod sa labas ng eskuwelahan bawal na rin ang sugary drinks at junk foods sa mga tindahan na may 100 metro ang layo sa eskuwelahan.
Meanne Corvera