Pagbabawal sa media presentation sa mga nahuhuling suspek sa krimen, sang-ayon sa Malakanyang
Suportado ng Malakanyang ang policy ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Oscar Albayalde na bawal ng ipresenta sa media ang mga nahuhuling kriminal.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque iginagalang ng Malakanyang ang patakaran ni Albayalde.
Ayon kay Roque bagamat puwedeng i-justify ang media presentation ng isang suspected criminal dapat sundin ang policy ng PNP chief.
Ginawa ng Malakanyang ang pahayag matapos maglabas ng direktiba si Albayalde sa kapulisan na bawal ng ipresenta sa media ang mga suspected criminal dahil sa prosisyon ng batas na nananatili inosente ang isang suspek hanggat hindi napapatunayan ang kasalanan sa hukuman.
Ulat ni Vic Somintac