Pagbabawal sa paggamit ng Wangwang ay tila napapanahon na

Kinastigo ni Senator JV Ejercito ang pag-abuso sa paggamit ng sirena at wangwang sa isang convoy sa South Luzon Expressway .

 Sa video na ibinahagi ni Ejercito, dumaan sa SLEX ang isang BMW GS 1250 at tila hinawi ang mga kasabay na motorista na dumidikit sa isang rolls royce culinan at back up nitong Mercedes G63.

Sinabi ng Senador, masyado nang inaabuso ng ilang negosyante, private citizens at ilang local officials na hindi niya na pinangalanan ang paggamit ng wangwang tanong niya, bakit sila nabigyan ng naturang pribilehiyo.

Nakakagalit aniya na maraming motorista ang maagang umaalis ng bahay para makarating sa kanilang destinasyon sa oras pero ang  iba nagsasamantala sa paggamit ng wangwang.

Dapat aniya itigil na ang ganitong pambu bully sa lansangan dahil pantay pantay naman ang mga Pilipino.

Hindi aniya dapat ikatwiran ang traffic congestion para gumamit ng sirena o wangwang.

Apila naman ni Senator Sherwin Gatchalian, dapat paigtingin na ng PNP ang crackdown at hindi dapat matakot na harangin kahit pa mga mamahaling mga sasakyan.

Dapat rin aniyang hulihin ang mga sakay kung hindi naman sila ang Presidente o pangalawang Pangulo ng bansa.

Meanne Corvera

Please follow and like us: