Pagbabawas ng physical distance ng mga commuter sa mga pampublikong transportasyon pag- uusapang muli ng IATF
Muling bubuksan ng Inter Agency Task Force o IATF ang usapin tungkol sa ipatutupad na pagbabawas ng social distancing sa mga pampublikong sasakyan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nakarating sa IATF ang pagtutol ng ilang sektor sa pagbabawas ng distansiya sa mga pampublikong sasakyan dahil na rin sa pangambang baka lalo pang kumalat ang covid 19.
Ayon kay Roque, bukas ang IATF na pakinggan ang anumang concern o hinaing ng bawat sektor na may kinalaman sa kaligtasan ng publiko sa panahon ng pamdemya ng covid 19 sa bansa.
Noong nakaraang linggo inaprubahan ng IATF ang proposal na itaas ang bilang ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan sa pamamagitan ng pagbabawas ng physical distance sa mga commuters.
Mula sa isang metro ay magiging 0.75 meters o dalawang talampakan at limang pulgada na ang distansya ng bawat pasahero mula ngayong September 14 sa LRT line 1, LRT line 2, MRT line 3, at PNR.
Vic Somintac