Pagbabawas ng trabaho at responsibilidad ng NFA sa ilalim ng isinusulong na Rice Tarrification Bill, hindi makatutulong sa mga magsasaka
Tutol ang NFA Region 1 sa isinusulong na Rice Tarrification Bill na pumasa na sa Bicameral conference committee kamakailan.
Ayon kay NFA Region 1 Director Jaime Hadlocon, hindi sila payag na mabawasan ang trabaho o responsibilidad ng kagawaran sa ilalim ng nasabing batas.
Dapat aniyang malaman ng mga mambabatas na kailangang-kailangan ng mga magsasaka ang NFA para kanilang karapatan.
“Ang ating mga mamamayang Filipino ay niloloko ang mga magsasaka minsan kaya sana ay hindi mabawasan ang mga tungkulin o karapatan ng NFA para sa mga magsasaka”.
Samantala, hindi pa naman masabi ni Director Hadlocon kung magkano ang itataas sa presyo ng mga NFA rice.
Kasunod ito ng naging pahayag ni NFA Administrator in-charge Tomas Escarez na plano nilang ibenta ng mas mataas ang presyo ng NFA rice mula 27 piso ay magiging 33 t0 35 piso kada kilo.
Ito ay upang masolusyunan umano ang kakulangan sa suplay nito.
=============