Pagbabayad ng rebate sa Tesla ipina-freeze ng Canada

0
Pagbabayad ng rebate sa Tesla ipina-freeze ng Canada

Tesla vehicles are seen on display at the Canadian International AutoShow in Toronto, Ontario, Canada February 13, 2025. Photo: REUTERS/Carlos Osorio/File Photo

Ipina-freeze ng Canada ang lahat ng pagbabayad ng rebate para sa Tesla at pinagbawalan ang tagagawa ng electric-vehicle mula sa hinaharap na EV rebate programs.

Ito ang sinabi ni Canadian Transport Minister Chrystia Freeland.

Aniya, “No rebate payments will be made until each claim is individually investigated and determined to be valid.”

Inatasan din ni Freeland ang Transport Canada, na baguhin ang eligibility requirements sa future Incentives para sa Zero-Emission Vehicles (iZEV) programs, upang matiyak na hindi magiging eligible ang Tesla vehicles, hangga’t nakapataw sa Canada ang aniya’y “ilegal at hindi lehitimong” U.S. tariffs.

Hindi naman agad na tumugon ang Tesla sa kahilingan ng Reuters para sa komento.

Matatandaan na nagpataw si U.S. President Donald Trump ng maraming tariffs, na ang karamihan dito ay sa April na magkakabisa, sa pamamagitan ng 25 per cent taxes sa karamihan ng mga kalakal mula Canada.

Nitong Lunes ay sinabi ni Trump, na malapit na ring ipataw ang automobile tariffs bagama’t hindi naman lahat ng ito ay ipatutupad sa April 2 gaya nang unang ipinahiwatig.

Ipina-freeze ng Canada ang $43 million sa rebate payments para sa Tesla.

Ayon sa Toronto Star, na una nang nagbalita nito, ang kautusang ihinto ang pagbabayad ay bago pa inanunsiyo ng Canadian Liberal Leader na si Mark Carney, ang isang general election na gaganapin sa April 28.

Sa unang bahagi ng Marso ay iniulat ng The Star, na ang Tesla ay naghain ng “hindi pangkaraniwang” bilang ng EV rebate claims sa mga huling araw ng programa noong Enero, kung saan ang nag-iisang Tesla dealership sa Quebec City ay nag-aangkin ng halos $20 million public subsidies, sa pamamagitan ng pagdokumento sa mahigit 4,000 electric vehicle sales sa loob lamang ng isang linggo.

Inihinto ng Ontario ang pagbibigay ng mga pampinansyal na insentibo para sa mga Tesla na binili bilang mga taxi o ride share, dahil sa mga tensyon sa kalakalan sa U.S. noong unang bahagi ng buwang ito.

Ang Tesla CEO na si Elon Musk, isang malapit na kaalyado ni Trump, ay nangunguna sa pagsisikap ng White House na paliitin ang pederal na pamahalaan at ang badyet, bilang pinuno ng Department of Government Efficiency.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *