Pagbabwal sa paggamit ng plastik, hindi solusyon sa problema sa basura

Hindi solusyon ang pag-ban sa paggamit ng plastic sa matinding problema na kinakaharap sa basura lalo na sa Metro Manila.

Sa harap ito ng mga nakabinbing panukala sa Senado na tuluyang
ipagbawal ang paggamit ng plastic partikular na ang sachet ng shampoo,
toothpaste at kape.

Ang mga plastic na basura kasi ang kadalasang bumabara sa mga imburnal
at mga daluyan ng tubig na nareresulta ng pagbaha lalo na sa Metro
Manila.

Ayon kay Senador Cynthia villar, chairman ng Senate committee on
environment, sa pagbabalik pa ng sesyon posibleng matalakay ang
panukala.

Pero imposible aniyang ipa-ban ng tuluyan ang plastic dahil tatamaan
nito ang mga maliliit na negosyante.

Sa datos aniya ng Department of Trade and Industry o DTI, umaabot sa 95
percent ng mga negosyo sa Pilipinas ay mga small and medium
enterprises.

Isa sa nakikitang solusyon ng senador ang pagbibigay ng plastic
recycling factory sa mga probinsyang nasa paligid ng Manila bay at
Metro Manila.

Kung mare-recycle kasi aniya ang mga plastic, tinatayang aabot sa
dalawandaan at limampung toneladang basura ang mababawas.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *