Pagbagsak ng presyo ng palay sa dry season, pinangangambahan
Pinangangambahan ang pagbagsak ng presyo ng palay ngayong dry season dahil sa patuloy na pagpasok ng imported rice sa bansa.
Ayon kay Raul Montemayor, Chairman ng Federation of Free Farmers, noong nakaraang taon ay naitala sa 2.9 million tons ang naangkat na bigas na nadagdagan pa ng 260,000 tons pagpasok ng Enero, 2022.
Sobra aniya ito sa pangangailangan ng Pilipinas dahil tuwing katapusan ng Disyembre ay pangkaraniwang mataas o maraming nakaimbak na bigas dahil sa katatapos na anihan maliban pa sa pumasok na imported na bigas.
Dahil dito pinangangambahang maaaring bumagsak ang presyo ng palay sa darating na anihan para sa dry season dahil sa dami ng bigas sa merkado.