Pagbasa ng sakdal kay Cong. Rolando Andaya Jr., ipinagpaliban ng Sandiganbayan
Ipinagpaliban ng Sandiganbayan 3rd division ang pagbasa ng sakdal kay dating Budget Secretary at ngayo’y Cong. Rolando Andaya Jr. na nahaharap sa kasong Graft at Malversation.
Hindi pa kasi na reresolba ng Korte ang inihaing Motion for Reconsideration ni Andaya matapos ibasura ng anti -graft court ang kanyang “motion to quash “.
Muling itinakda ng Korte ang arraignment kay Andaya sa may 31, 2019 sa ganap na 8:30 a. m. natuloy naman ang pagbasa ng sakdal kay Janet Napoles na kapwa akusado ni Andaya.
Hindi naman naghain ng “plea” si Napoles kaya ang Korte na ang naghain ng “Not guilty plea” para sa kanya.
Si Andaya ay nahaharap sa 97 bilang ng kasong graft at 97 bilang ng malversation of public funds kaugnay ng 900 million Malampaya fund scam… una ng hiniling ni Andaya na mabasura ang kaso laban sa kanya dahil sa kawalan ng sapat na basehan.
Ulat ni Madz Moratillo