Pagbasa ng sakdal kina dating Pangulong Aquino, dating PNP chief Alan Purisima at dating SAF Director Getulio Napeñas kaugnay sa Mamasapano encounter, pinigil ng Korte Suprema

Pinigil ng Korte Suprema ang pagbasa ng sakdal ng Sandiganbayan 4th Division kina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Philippine National Police o PNP Chief Alan Purisima at dating Special action force o SAF Director Getulio Napeñas sa kaso nilang Usurpation of Authority kaugnay sa Mamasapano encounter na nakatakda sana sa Pebrero 15.

Ito’y matapos magpalabas ng TRO ang Supreme Court first division pabor sa manifestation ng Office of the Solicitor General o OSG.

Sa tatlong pahinang resolusyon ng SC first division na pirmado ni Supreme Court First Division Clerk of Court Edgar Aricheta, pinigil din ng Korte Suprema ang implementasyon ng resolusyon ng Ombudsman na nagbasura sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicide na inihain laban kina Aquino kaugnay ng Mamasapano Encounter.

Nais din ng Korte na maging respondent sa kaso ang Sandiganbayan sa kanilang manifestation.

Iginiit ng OSG na sa oras na matuloy ang arraignment ay hindi na maaring maihabol ang pagsasampa ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide na mas akmang reklamo na dapat na naihain sa mga akusado.

May pag-abuso anila sa panig ng Ombudsman dahil tila inabswelto na nito ang dating Pangulo sa pagsasampa ng mas mahinang kaso.

 

Ulat ni Moira Encina

 

===  end  ===

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *