Pagbasura ng Metro Manila council sa kahilingang payagang makalabas na ang mga batang 7 taong gulang, iginagalang ng Malakanyang
Nirerespeto ng Malakanyang ang desisyon ng Metro Manila Council o MMC na huwag munang payagang makalabas ang mga batang pitong taong gulang pataas ngayong holiday season.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na malinaw ang posisyon ng Inter Agency Task Force o IATF nang ipanukala ng Department of Trade and Industry o DTI na payagan ng malakabas ang mga batang pitong taong gulang subalit ang mga Local Government Units o LGU’S ang magdedesisyon sa pamamagitan ng Ordinansa.
Ayon kay Roque nagkasundo ang mga Metro Manila Mayors na ibasura ang panukalang payagan ng makalabas ang mga batang pitong taong gulang kaya dapat itong igalang.
Inihayag ni Roque ang desisyon ng mga Metro Manila Mayors ay dumaan sa masusing pag-aaral sa pamamagitan ng konsultasyon sa mga health expert na nagsasabing hindi pa ligtas sa banta ng COVID 19 ang mga menor de edad ngayong holiday season.
Vic Somintac