Pagbasura sa kasong graft ni Sen. JV Ejercito pinagtibay ng Sandiganbayan

 

jv

Pinagtibay ng Sandiganbayan 5th division ang pag-abswelto kay Sen. Joseph Victor ‘JV’ Ejercito sa kasong katiwalian.

Ito’y makaraang tanggihan ng Anti-Graft Court ang apela ng prosekusyon.

Ayon sa korte, bigo ang Ombudsman na tugunan ang pinaka-importanteng punto sa isyu kaugnay ng pinagbigyang demurrers to evidence ng akusado.

Sa kabuuan, bigo ang prosekusyon na talakayin  ang naunang desisyon ng korte na hindi sangkot si Ejercito sa pagtukoy sa brands ng biniling armas ng San Juan City noong alkalde pa ito.

Bagaman abswelto na si Ejercito sa kasong Graft, nakabinbin pa rin ang kaso nitong technical malversation sa 6th Division.

ang ibinasurang kaso ay may kaugnayan sa maanomalyang transaksyon sa nag-iisang bidder  ng mga armas na HKDTSI noong 2008.

Ulat ni : Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: