Pagbibigay kay Mary Jane Veloso ng ” clemency o commutation “, dapat pag-aralan ayon sa Senador

Dapat  pag- aralan ng Department of Justice (DOJ) ang opsiyon na bigyan ng clemency o commutation  ng sentensiya  si Mary Jane Veloso ayon kay Senador  Jinggoy Estrada makaraang igiit na dapat ituring si Veloso na biktima  sa halip na criminal.

Hinimok ni Estrada ang DOJ na ikunsidera ang status ni Veloso bilang  biktima ng human trafficking  at ng sindikato ng iligal na droga. Dapat aniyang  isailalim sa masusing pagrepaso  ang kaso ni Veloso.

Pinuri ni Estrada ang Malacañang sa ginawang pagsusumikap para makauwi na sa bansa  si Veloso.

Pagpapakita aniya ito ng commitment ng Marcos Administration na pangalagaan ang kapakanan at dignidad ng bawat mamamayang  Pilipino lalo na ang mga may kinakaharap na kaso  sa ibang bansa.

Para  kay Estrada, niloko  si Veloso ng mga indibiduwal at sinamantala ang kaniyang kahinaan na ginamit  bilang courier ng iligal na droga.

Ang nangyari kay Veloso ay indikasyon na may mahigpit nang pangangailangan para protektahan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at palakasin ang mekanismo laban sa human trafficking at illegal recruitments.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *