Pagbibigay ng 4th dose ng anti COVID-19 vaccine sa mga senior citizens at immunocompromised, pinag-aaralan na ng IATF
Inirekomenda na ng Vaccine Expert Panel ng National Task Force against COVID-19 ang pagbibigay ng 4th dose ng anti COVID-19 vaccine sa mga senior citizens at immunocompromised individuals.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na ang pagbibigay ng 4th dose ng anti COVID-19 vaccine sa mga senior citizens at immunocompromised individuals ay pinag-aaralan na ng Technical Advisory Group ng Inter Agency Task Force o IATF.
Ayon kay Nograles mayroon pang 3 milyong mga senior citizens at immunocompromised ang hindi pa nababakunahan ng 1st dose ng anti COVID-19 vaccine.
Inihayag ni Nograles mananatiling nasa priority list ng pamahalaan na mabigyan ng anti COVID-19 vaccine ang mga senior citizens at immunocompromised individuals dahil vulnerable ang mga ito na tamaan ng corona virus na maaari nilang ikamatay.
Vic Somintac