Pagbibigay ng AstraZeneca vaccines tuloy sa kabila ng pahayag ng ilang health expert na hindi ito epektibo sa South African variant
Tuloy parin ang pagbibigay ng COVID-19 vaccines ng Astrazeneca sa oras na dumating na ito sa bansa bilang bahagi ng vaccination program ng gobyerno.
Ito ang inihayag ni Health Usec Ma Rosario Vergeire , kasunod ng pahayag ng ilang health expert na hindi epektibo ang AstraZeneca vaccine sa South African variant.
Ayon kay Vergeire, mahalaga ang mga bakuna na ito para maproteksyunan ang lahat laban sa COVID- 19.
Maging si WHO Country Representative Dr. Rabindra Abesayinghe ay Iginiit na wala pa naman talagang ebidensya na makapagsasabing hindi epektibo ang Astrazeneca vaccines sa South African variant.
Ipinunto rin nito na ang pag aaral na ginawa sa South Africa ay ginawa lang sa maliit na grupo na nasa 2 libo katao lamang.
Sa isyu naman na kailangan umano ng booster shot ng AstraZeneca vaccine, ipinaliwanag ni Vergeire na hanggang ngayon ay wala paring katiyakan kung hanggang kailan ang maibibigay na proteksyon ng mga bakuna.
Madz Moratillo