Pagbibigay ng booster shot at pediatric anti COVID-19 vaccine nasa desisyon ng mga vaccine expert – National task force
Hihintayin ng National Task Force o NTF ang rekomendasyon ng mga panel of vaccine experts sa bansa kung kailan magbibigay ng booster shot at pagbabakuna sa mga menor de edad laban sa COVID 19.
Sinabi ni NTF Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez na nagsasagawa na ng ebalwasyon at pag-aaral ang mga vaccine experts kung kailan magsasagawa ng booster shot sa mga fully vaccinated laban sa COVID 19 ganun din ang pagbabakuna sa mga menor de edad.
Ayon kay Galvez nakahanda ang pamahalaan sa pagsasagawa ng booster shot laban sa COVID 19 katunayan ay naglaan na ang gobyerno ng pondo na nakapaloob sa 2022 proposed national budget.
Inihayag ni Galvez nasa kamay naman ng Food and Drug Administration o FDA kung anong brand ng anti COVID 19 vaccine ang gagamitin sa mga menor de edad na populasyon.
Vic Somintac