Pagbibigay ng booster shot sa mga pribadong sektor, sinusuportahan ng mga Senador

Sinusuportahan ng mga Senador ang pagbibigay ng booster shot sa mga pribadong sektor.

Ayon kay Senate majority leader Juan Miguel Zubiri , dapat ibigay sa mga nasa private sector ang bakuna kung ayaw pang magpabakuna ng mga iba.

Ganito rin ang pananaw ni Senate president Vicente Sotto III na nagsabing masasayang at maaring mag-expire ang bakuna kung hihintaying magdesisyon ang mga dapat na beneficiary nito.

Sa halip na pilitin ang mga ayaw magpabakuna, maaari naman aniya itong gawing booster shot ngayong pinangangambahan ang banta ng Omicron virus.

Pabor rin si Senador Koko Pimentel na palawakin ang booster shot vaccination para protektahan ang publiko.

Nauna nang umapila ang business organizations sa gobyerno na maisama ang kanilang mga empleyado at kanilang pamilya sa mabibigyan booster shot para magtuloy-tuloy ang pagbubukas ng mga negosyo.

Meanne Corvera

Please follow and like us: