Pagbibigay ng Kamara ng ₱1,000 budget sa CHR, binatikos
Kinastigo ng Commission on Human Rights (CHR) Chairman Chito Gascon ang desisyon ng House of Representatives na aprubahan lamang ang ₱1,000 na budget para sa 2018.
Giit ni Gascon dapat matauhan ang mga kongresista sa pangunguna ni Speaker of the House Pantaleon Alvarez.
Dagdag pa nito aalamin niya ang naging rason kung bakit naaprubahan ang ganoong budget.
Tiniyak naman ni Gascon na hindi maapektuhan ang kanilang trabaho kahit na ₱1,000 na budget lamang ang nakuha ng CHR.
Magugunitang mayroong 119 na mga kongresista ang pumabor sa motion ni 1-Sagip Partylist Representative Rodante Marcoleta na bigyan ng P1,000 ang CHR habang mayroong 32 naman ang kumontra.