Pagbibigay ng pardon kay Maryjane Veloso, dapat idaan sa legal na proseso

Kailangan pang idaan sa legal na proseso kung magdesisyon man si Pangulong Bongbong Marcos na bigyan ng pardon ang overseas filipino worker na si Maryjane Veloso.

Ayon kay Senate President Francis Escudero, dapat magdesisyon ang gobyerno batay sa desisyon ng Indonesian Government.

Kailangan aniyang magbigay ng kortesiya ang pamahalaan sa Indonesia bago aprubahan o magbigay ng clemency kay Velasco.

Ang mahalaga aniya sa ngayon, ligtas na sa parusang kamatayan si Veloso at may mga ginagawang proseso para maging ganap itong malaya.

Pinuri naman ng mga Senador ang matagumpay na diplomatic effort ni Pangulong Bongbong Marcos para tuluyang mapauwi sa Pilipinas si Veloso matapos ang labing-apat na taon sa death row sa Indonesia.

Sinabi naman ni Senador Raffy Tulfo na Chairman ng Senate Committee on Migrant  Workers, katunayan ito na seryoso ang gobyerno na protektahan ang kapakanan ng mga kababayan na nahaharap sa mga kaso sa ibang bansa.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *