Pagbibigay ng trabaho nakikitang solusyon ng ilang Senador sa problema sa tambay
Hinimok ni senador Sonny Angara na paigtingin ang mga programa para sa pagbibigay ng trabaho sa mga kabataan.
Sa harap ito ng direktiba ng Pangulo na ipadampot ang mga tambay na aalma sakaling sitahin ng mga Barangay officials.
Ayon kay angara, batay sa April 2018 Labor Force Survey, 46 percent ng populasyon ay tambay o may edad na 15 hanggang 24 na katumbas ng 1.1 million.
Bukod sa hindi nakapagtapos, nahihirapan aniyang maghanap ng trabaho ang mga kabataan dahil sa kakulangan ng tamang skillis na hinahanap ng isang kumpanya.
Kailangan aniya ngayon ay maipatupad ang republic act 10869 o jobstart philippine act na layong magbigay ng free technical and life skills training at Job marching assistance lalo na sa mga kabataan.
Sa ganitong paraan ayon kay Angara mababawasan ang mga nakatambay sa mga lansangan.
Senador Angara:
“Kailangan nila ng kaukulang tulong upang makahanap ng maayos at disenteng trabaho para magkaroon sila ng direksyon sa buhay, at para matulungan ang kanilang pamilya na makaahon sa kahirapan” .
Ulat ni Meanne Corvera