Pagbibitiw ni Senador Kiko Pangilinan bilang presidente ng Liberal Party dahil sa pagkatalo ng otso diretso sa halalan hinangaan ng Malakanyang
Pinuri ng Malakanyang ang naging desisyon ni Senador Kiko Pangilinan na nagbitiw bilang Pangulo ng Liberal Party dahil sa pagkatalo ng Otso Diretso senatorial candidate sa nagdaang midterm election.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kahangahanga ang desisyon ni Pangilinan dahil inako nito ang responsabilidad sa pagkatalo ng mga kandidato ng Otso Diretso sa pagkasenador.
Ayon kay Panelo taongbayan ang nagdesisyon at pinaboran ang mga kandidato ng administrasyon kaysa kandidato ng oposisyon.
Dahil dito nanawagan si Panelo sa oposisyon na tulungan na lamang si Pangulong Duterte sa pagpapatupad ng mga pagbabago sa pamahalaan.
Ulat ni Vic Somintac