Pagbibitiw ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales sa PDP-Laban tinanggap na ng partido
Hindi na bagong bagay ang pag-alis ng isang politiko sa kaniyang partido.
Ito ang inihayag ni Palawan Congressman Jose Alvarez , Presidente ng PDP- Laban sa ginawang pagbibitiw ni Pampanga Congressman at House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales sa kaniyang partido na PDP-Laban sa mismong plenaryo habang naka-convened ang Kamara bilang Committee of the Whole para pagtibayin ang House Resolution 1414 na nagpapakita ng suporta sa Liderato ni House Speaker Martin Romualdez at pagtatanggol sa reputasyon at integridad ng Kongreso.
Magugunitang bago pangalanan ni Congressman Gonzales si dating Pangulong Rodrigo Duterte na Chairman ng PDP Laban ang naninira sa reputasyon at integridad ng Kamara ay nagbitiw ito sa kaniyang partido noong session ng Lunes.
Niliwanag ni Alvarez na normal lamang sa politika sa Pilipinas ang magpalipat-lipat ng partido.
Naniniwala ang mambabatas na ang nangyari noong pagtibayin ng Kamara bilang Committee of the Whole ang House Resolution 1414 ay isang collective decision ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso.
Meanne Corvera