Pagbili ng DBM ng mga PPE sa China, Pinaiimbestigahan ng mga Senador
Pinaiimbestigahan na ni Senator Aquilino Koko Pimentel ang isyu ng pagbili ng Department of Budget and Management ng mga personal protective equipment na gawa sa China.
Nais malaman ni pimentel bakit mas pinili ng gobyerno na bumili sa China kumpara sa mga gawang pinoy.
Dahil sa pagtangkilik sa mga gawang China sinabi ni Pimentel na mahigit dalawamput limang libong manggagawa ang nawalan ng trabaho
Sa pagdinig ng Senado una nang umangal ang Confederation of Philippine Manufacturers of PPE.
Reklamo nila nang pumutok ang COVID-19 pandemic, nakiusap ang gobyerno sa kanila na gumawa ng mga PPE dahil pahirapan ang suplay at upang ma-retain din ang mga trabahador ng ibat-ibang pabrika.
Gumawa naman daw sila ng mga Medical grade na PPE pero kaunti lang ang binili sa kanila ng Gobyerno.
Nirequire din aniya sila ng isang milyong PPE sa loob ng labinlimang araw kaya marami ang nalugi.
Sa impormasyon ni Senator Imee Marcos sa 4.8 billion pesos na inilaan ng gobyerno na pambili ng PPE, 14 percent lang ang ipinambili ng locally- made PPE at ang 84 percent ay naging pambili ng yari sa China.
Ayon kay Marcos , mura nga ang China made sa presyong 1 peso and 50 centavos (P 1.50 ) kumpara sa presyo ng locally -made PPE na 1 peso and 99 centavos (P 1.99 ) pero hindi tiyak kung medical grade ang China – made.
Meanne Corvera