Pagbili ng submarine hindi pa prayoridad ng Marcos administration
Nasa plano ng Marcos administration ang pagbili ng submarine para sa Philippine Navy.
Gayunman aminado si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na hindi ito prayoridad sa ngayon dahil na rin sa malaking commitment ang kailangan sa hakbang.
Sa isang media interview, sinabi ng Pangulo na kailangang ikonsidera ang maraming bagay para isakatuparan ito.
“There is a plan but it’s still being developed dahil ang commitment para mag-operate ng submarine is not a small commitment, it is a very large commitment because the training that is involved, the equipment that is involved, and the operational requirements that are involved are quite significant,” paliwanag ni Pangulong Bongbong Marcos.
Bukod dito, nilinaw ng Pangulo na ang pinalalakas ng gobyerno ay ang anti-submarine capabilities ng bansa.
“Right now, we are in the middle of developing mostly our anti-submarine capabilities. So yun ang uunahin natin, and hopefully when the time comes, and the conditions are agreeable, then we might be able to acquire those submarines,” pagdidiin pa ng Chief Executive.
Sinabi ng Pangulo na maraming bansa ang nag-a-alok sa PIlipinas hindi lang para magbenta kundi tulungan ang bansa para gumawa nito.
Aniya, ang nasabing hakbang ay inaasahang magbibigay ng maraming trabaho at kita, bukod sa magpapalakas sa kakayahan ng hukbong dagat ng bansa.
“Marami tayong offer from different countries not only to acquire submarines but also to build them here in the Philippines. So, yun ang tinitingnan natin ngayon dahil malaking bagay yun if you could build it here.”
“We can actually build submarines here and provide those submarines to other countries, then that’s another source of jobs and income and increased capability for our navy,” dagdag na pahayag pa ng Pangulo.
Isa sa commitment ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, ang pagpapalakas sa kapabilidad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) lalo’t nakatuon ito ngayon sa pagpapa-igting ng external defense ng bansa.
Pero bukod sa external defense, gagamitin din ang mga tauhan at kagamitan ng AFP para sa civil defense at disaster response.
Weng dela Fuente