Pagbisita ng EU Parliamentarian sa bansa, welcome sa DOJ
Handa si Justice Secretary Crispin Remulla na kausapin ang mga miyembro ng subcommittee on human rights ng European Parliament na bumibisita sa bansa ngayon.
Sinabi ni Remulla na bukas at transparent ang kagawaran lalo na sa mga aksyon nito ukol sa imbestigasyon at prosekusyon ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao.
Ayon sa kalihim, sasagutin ng DOJ ang anuman na nais malaman ng EU Parliamentarians dahil hangad din niya na malaman ng publiko ang mga trabaho nila sa kagawaran.
Isa si Remulla sa mga haharapin ng EU Parliamentarians sa tatlong araw nila na pagpunta sa bansa.
Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang pagbisita ng mga dayuhan ay parte ng bukas at regular engagement sa pagitan ng Pilipinas at EU sa isyu ng human rights.
Layon anila nito na mapalawig pa ang constructive dialogue at kooperasyon sa karapatang pantao at ang EU GO-JUST Program na sumusuporta sa mga reporma sa sektor ng hustisya ng bansa.
Moira Encina