Pagbisita sa bansa ni Chinese FM Qing, bahagi ng ‘damage control’ sa isyu ng Taiwan at WPS
Bahagi sa layon ng pagbisita sa bansa ni Chinese Foreign Minister Qin Gang ang pahupain ang tensyon sa pagitan ng Maynila at Beijing sa usapin ng Taiwan at West Philippine Sea.
Ito ang paniwala ng isang international relations expert kasunod ng courtesy call ni Minister Qin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang noong Sabado, April 22.
Sa panayam ng NET 25 TV/Radyo program na Ano sa Palagay Nyo o ASPN?, sinabi ni Dr. Rene de Castro, international relations expert mula sa De La Salle University (DLSU) na hindi na bagong bagay ang hakbang ng China.
“It’s being played out, of course you have the foreign minister of China coming here doing some damaged control triggered by an uproar by the statement by the Chinses Ambassador, who is just doing his job, the threat of an expanded EDCA and on going military exercise through Balikatan and our President going to United States to formalize what has been discussed in the 2+2 meeting conducted this month”.
Sa nasabing pagpupulong ng Pangulo sa Chinese official, napagkasunduan na dagdagan pa ang linya ng komunikasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa mahahalagang usapin, partikular sa isyu ng West Philippine Sea.
Sabi ni Dr. de Castro hindi na bagong bagay ang ginagawang friendly conversation ng China para pahinahunin ang Pilipinas.
“From their perspective they are successful, this is to lull us, engage us in a diplomatic tussle, that has been the case since 1996 during the Mischief Reef, they engage in a friendly conversation, this lull us, mitigate or slow down their maritime expansion, purpose lull us to make it appear ready to compromise, … Mali kasi ang calculation, our calculation on a middle power, it could manage dispute, China is looking from a perspective of a great power, grand strategy of rejuvenation, pacification, no compromise,” dagdag pa ng propesor.
Ang pagbisita sa bansa ni Minister Qing ay sa harap ng mga kontrobersyal na pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ukol sa pagkakaloob ng karagdagang access ng Pilipinas sa mga tropang Amerikano sa mga bagong lugar bilang bahagi ng implementasyon ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA)
Sa kaniyang pahayag, nagbabala rin si Ambassador Huang sa kahihinatnan ng libu-libong manggagawang Filipino sa Taiwan na nasasapananib dahil sa presensya ng Estados Unidos sa rehiyon.
Sinang-ayunan ni de Castro ang pahayag noon ng dating National Security Adviser na China ang nagtulak sa atin palapit sa Estados Unidos.
“China has pushed us into the arms of Americans,” paliwanag pa ni de Castro.
Anoman aniya ang pagtutol ng China sa EDCA, ito ay nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas, taliwas sa ginawa nitong pagtatayo ng mga artificial islands at militarisasyon sa bahagi ng West Philippine Sea na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Sa ngayon ay wala umanong nakaka-alam kung ano ang detalye sa mga plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para itaguyod ang kaniyang foreign policy na “friends to all, enemy to no one”. Sabi ni de Casto, bagama’t ito ang tinatawag nila sa academe na balanced approach, nananatili lamang itong aspirasyon dahil sa realidad, ito ay mas kumplikado.
“He [Marcos] keeps his cards close to his chest,” sabi pa ni de Castro.
Weng dela Fuente