Pagbsagsak ng rating ni Pangulong Duterte, inaasahan na- ayon sa mga Senador
Inaasahan na umno ang pagbagsak ng approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa survey ng Social Weather Station o SWS.
Pero iginiit ni Senate Pro -Tempore Ralph Recto na mataas pa rin ang 65 percent na gross satisfaction rating.
Naniniwala si Recto na isa sa nakaapekto sa rating ng Pangulo ang pagbanat nito sa simbahang katolika.
Babala pa ni Recto, lalong lilikha ng pagkakawatak -watak ang desisyon ng Pangulo na isulong ang Federalismo at sisirain lang nito ang mga accomplishments ng Duterte administration.
Sabi naman ni Senador Antonio Trillanes, ang pagbagsak ng Pangulo ay resulta lamang umano ng pagpapakita nito ng kagaspangan ng pag uugali.
Ulat ni Meanne Corvera