Pagbubukas ng iba pang vaccination site pinag-aaralan na ng DOTr at MMDA
Pinag-aaralan na ng DOTr at MMDA na magbukas ng vaccination site sa mga pantalan, airport, MRT stations at, entry point ng mga expressway.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ito’y para mas mapabilis ang pagbibigay ng bakuna at booster shot lalo na sa mga manggagawang abala sa trabaho at hindi makapag pa schedule sa mga nakasasakop na baranggay.
Inilunsad rin aniya nila ang mobile vaccination na tinawag na we vax as one para maging mas accessible sa lahat lalo na sa mga mga manggagawa.
Sa datos kasi aniya 110 percent na o katumbas ng 10 million 819 thousand sa mahigit 13 million na populasyon ng metro manila ang naka full dose na ng COVID-19 vaccine.
Sa datos na ito mahigit 1.7 million na ang mayroong booster shot.
Pero Pinalawak aniya ang pagbabakuna para maabot ang mga hindi pa bakunado na nanggaling sa probinsya at dumaan sa terminal para mabawasan na ang bilang mga naoospital dahil sa virus.
Target ng MMDA na magkapagturok ng limandaang bakuna kada araw.
Bukas ito sa lahat mula alas ocho ng umaga hanggang alas dose ng tanghali hanggang mula ngayong hanggang sa biyernes.
Meanne Corvera