Pagbubukas ng klase sa buong bansa, iniurong ng DepEd sa October 5
Iniurong na ng Department of Education sa October 5 ang pagbubukas ng klase sa buong bansa na una nang itinakda ngayong August 24.
Ayon kay Education secretary Leonor Briones, batay ito sa inilabas na Memorandum Circular mula sa Office of the President.
Batay aniya ito sa rekomendasyon ng mga mambabatas at Inter-Agency Task Force (IATF) dahil sa lumalalang kaso ng Covid-19 kung saan muling isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal.
DepEd Sec .Briones:
“As per the memorandum of the President, he has given approval to the recommendation of Deped. Thus, we will now implement such a decision to defer the school opening to October 5 pursuant to Republic Act no. 11480. We trust that this is the final adjustment of the school opening. Even with the implementation of MECQ, we will use this time to make the necessary adjustments and ensure that all preparations have been made for the successful opening of classes for School Year 2020-2021”.
Sa ilalim ng bagong batas, may kapangyarihan ang Pangulo na ipag-utos ang pagpapaliban ng class opening sa mga lugar na apektado ng State of Calamity at Health emergency.
Hindi na kailangang aprubahan ang Implementing Rules and Regulations ng batas dahil kailangan nang tumugon ng gobyerno sa lumalalang kaso ng pandemya.
Ayon kay Briones, gagamitin nila ang nalalabing halos dalawang buwan para ipagpatuloy pa ang dry run at iba pang paghahanda para sa Blended Learning gaya ng pag-iimprenta ng mga learning materials.
Samantala sa kaso ng mga Private schools. hindi naman aniya pipigilan ng Deped kung itutuloy nila ang Class opening.
May mga eskwelahan kasi aniyang matagal nang ginagawa ang blended learning kahit wala pa ang pandemic.
Pero kailangang tumugon sila sa health protocols at wala dapat face to face teaching.
“Naka-umpisa na sila… it will be a great source of dissapointment lfor learners kung titigilan… takes time lalo na ngayon 5 buwan sila hindi pumapasok policy umuubra naman but comply requirements of MECQ”.- Deped Sec. Briones