Pagbuhay ng Anti-Epal Bill sa Senado, suportado ng ilang Kongresista
Suportado ng ilang mambabatas sa Kamara ang pagbuhay muli sa Senado ni Sen. Manny Pacquiao ng Anti-Epal Bill.
Ayon kay Cibac Partylist Rep. Sherwin Tugna, nararapat na maisabatas ang ganitong panukala dahil marami pa ring pulitiko ang hindi nadadala at patuloy na ibinabalandra ang kanilang mga larawan sa mga proyekto.
Aniya, panahon na para gisingin ang ilang pulitiko na ang mga government project and programs ay pondo ng taumbayan at hindi ng mga pulitiko.
Pero para kay Deputy Speaker Miro Quimbo, hindi na kailangan isabatas ang Anti-Epal Bill para lang maiwasan ang mga ganitong klase ng pamumulitika.
Payo ni Quimbo, ipaubaya na lamang sa publiko ang paghahatol sa mga epal politicians sa pamamagitan ng pag-educate sa mga tao at hindi pagboto sa mga ito.