Pagbuhay sa odd-even scheme ng MMDA suportado ni Senador Tolentino
Hinimok ni Senador FrancisTtolentino ang mga Local government units na maghanap pa ng mga solusyon para mapaluwag ang traffic sa Metro manila.
Ito’y para tulungan ang mga motorista ngayong mataas ang presyo ng diesel at gasolina.
Sinabi ni Tolentino na sinusuportahan niya ang mungkahi ng MMDA na buhayin ang odd even scheme.
Ayon sa Senador noong siya pa ang Chairman ng MMDA binalak niya ring ibalik ang odd even scheme kung saan dalawang araw na mawawala sa kalsada ang mga sasakyan pero inulan ito ng batikos.
Maari aniyang gawin ito habang hindi pa napapakinabangan ang mga mass transporT gaya MRT 7 at ang subway.
Sa ngayon may panukala si MMDA Chairman Romando Artes na ipatupad ang odd even at modified number coding scheme kung saan ipagbabawal ang paglabas ng sasakyan depende sa huling numero ng plaka.
Ayon sa Senador , nasubukan na sa ilalim ng kanyang termino ang lahat ng sistemang ito.
Pero kailangang maging malikhain para mapaluwag ang daloy ng mga sasakyan lalo na sa Edsa pero dapat malinaw ang gagawing pagpapaliwanag sa mga motorista.
Meanne Corvera