Pagbuo ng ₱20B trust fund para sa mga nasawing miyembro ng AFP at PNP ipinapanukala sa Senado
Ipinapanukala ni Senador Chiz Escudero ang pagbuo ng 20 billion peso trust fund para sa mga nasawing miyembro ng AFP at PNP sa pagtupad sa kanilang tungkulin.
Sinabi ni Escudero na dahil sa sitwasyon ngayon ng mga sundalo at pulis, nararapat lamang na mabigyan ng sapat na tulong ang pamilya ng mga ito.
Alinsunod sa Senate Bill No. 1491, o Comprehensive Social Benefit Program of the Government, nais ni Escudero na matatag ang trust fund sa ilalim ng DND at DILG.
Sakop nito ang basic needs ng mga pamilya ng mga sundalo at pulis na namatay sa mga lehitimong operasyon.
Kabilang sa mga assistance na sakop nito ang full scholarship, financial, shelter, health and medical care, at cost of living.
Magmumula aniya ang trust fund sa national treasury kung saan naman posibleng ang interest income lamang ang gamitin.
Ang trust fund ay ipatutupad at pamamahalaan ng board na bubuuin ng mga kinatawan mula sa Office of the President, DILG, Department of Budget and Management, Department of Finance, Department of Social Welfare and Development, Commission on Higher Education, AFP at PNP.
Ulat ni: Mean Corvera