Pagbuo ng 30 municipal at Regional Trial Courts aprubado na ng senado
Pinal nang pinagtibay ng senado ang labindalawang panukalang batas na nagpapahintulot sa pagbuo ng dalawamput pitong regional at apat na Municipal Trial Courts sa buong bansa. Kasama sa inaprubahan ng senado ang pagbuo ng RTC sa Zamboanga del Norte, Isulan at Tacurong sa Sultan Kudarat, Oriental Mindoro, Macabebe sa Pampanga, Sto Tomas Batangas, Ozamis City at San Pablo, Laguna. Layon ng panukala na maresolba ang matinding delay sa resolusyon ng mga kaso na nakepending sa mga korte sa naturang mga lalawigan. Bubuo rin ng Municipal Trial Courts para i decongest ang court docekts sa bulto bultong mga kaso. Naniniwala si Senador Juan Miguel Zubiri isa sa author ng panukala na sakaling maisabatas, mababawasan na rin ang mga bilanggo sa mga kulungan lalo na ang mga nakapasilbi na sa kaso pero wala pang desisyon ang korte |
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: