Pagbuo ng bagong partido, posibleng maging basehan umano ng tuluyang pagpapatalsik kay Senador Pacquiao sa PDP-Laban
Posibleng tuluyang mapatalsik sa PDP-Laban si Senador Manny Pacquaio dahil sa umano’y pag-convert sa kaniyang Regional Party na People’s Champ Movement (PCM) bilang isang national political organization.
Sa larawang ibinahagi ni Atty. Melvin Matibag, Secretary-General ng isang paskyon ng partido, ipinakita ang meeting ng PCM noong December 20 ng nakaraang taon na ginawa sa Pacquiao compound sa Lagao, General Santos city na isa umanong ground ng expulsion o pagpapatalsik sa Senador.
Sa unofficial documents, sinasabing dumalo sina Pacquiao, Party Executive Vice-President Rogelio Pacquiao, Secretary General Raul Martinez, Treasurer Reynaldo Constantino, at Auditor Victor James Yap.
Pero sa isang statement na inilabas ng PDP-Laban Pacquiao faction, sinabing masyadong malisyoso ang alegasyon na layong siraan lamang ang Pambansang Kamao sa nalalapit nitong laban.
Iginiit ni Senador Koko Pimentel na ilang araw bago pa man maitalaga si Pacquaio bilang Party President ng PDP-Laban, isinuko na niya ang pagiging Pangulo ng PCM.
Si Pacquiao aniya ay tulad lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte na nananatiling miyembro ng local party na Hugpong ng Tawong Lungsod.
Statement Senador Pimentel:
“This is the first time that a group of Filipinos, because of politics, has organized an effort meant to distract our Pambansang Kamao while he fights in the boxing ring to bring additional honor to our country. How unpatriotic of this group of politicians”.
Meanne Corvera