Pagbuo sa framework ng Code of Conduct on South China Sea, napagkasunduang balangkasin sa nalalabing termino ni Pangulong Dutertee
Nagkasundo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping na magbalangkas na ng COC o Code of Conduct sa South China Sea.
Kasunod na rin ito ng ginawang paninindigan ni Pangulong Duterte na malaki ang magagawa ng Code of Conduct upang maresolba ang napakaraming conflict sa pinagtatalunang lugar sa South China sea.
Sinang- ayunan naman ito ni Chinese President Xi Jinping na nagsabing dapat ngang masimulan na ang pagbalangkas ng COC sa tatlong taon na natitirang termino ni Pangulong Duterte.
Ang Pilipinas ang itinalagang country coordinator ng ASEAN-China Dialogue Relations.
Bukod sa COC kasama ding napag- usapan sa bilateral meeting ng dalawang lider ang isyu sa joint exploration, recto bank incident at ang desisyon ng arbitral court na hindi naman kinikilala ng China.
Ulat ni Vic Somintac