Pagbuwag sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards nasa kamay ng Kongreso – Malakanyang

Ipinauubaya ng Malakanyang sa Kongreso ang panawagan na pag-abolish sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kailangan ng batas sa pagbuwag ng RTWPB at mapalitan ito ng isang singular wage-fixing body.

Ang pahayag ni Panelo ay bilang tugon sa panawagan ng ilang grupo na buwagin ang wage board dahil bigo itong maipatupad ang national minimum wage na isa sa mga pangako ng Pangulo noong kampanya.

Sinabi ni Panelo kaya nabuo ang RTWPB ay upang magkaroon ng tamang pagpapatupad ng sahod sa iba’t-ibang probinsiya depende sa commercial settings ng isang lugar.

Inihayag ni Panelo na bahala na ang dalawang kapulungan ng kongreso na pag-aralan ang ilang probisyon ng batas kung kinakailangan na itong buwagin at palitan.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *